*Ka mis mag sulat*
*Eh badtrip ang lolo nyo asar..*
*Cge game try*
HMMMMM....
SIYA SANA..
Marahil mga pare/mare ang katagang yan ay nasabi mo na minsan sa buhay mo.
Tama o Mali... ang sayang na pagkakataon na mapunta satin ang taong mahal mo ay nawala.
Bakit nga ba humahantong sa ganito ang kalagayan natin?
TADHANA LANG SIGURO
At PAPASOK ANG!!!
Tinatawag nating PANGHIHINAYANG..
Pero sasabihin natin na ok lang yan hindi talaga sya ang para sakin.
Makakakita din ako.
TAPOS
Sasabihin mo hindi ka nanghihinayang na nawala siya sa’yo o nagsisisi na iniwan ka niya,
sa totoo lang hindi ako naniniwala, dahil natutulog kang lumuluha.
Pero pag lipas ng maraming segundo,minuto,oras,araw,linggo,buwan at taon...
Masasabi mo sayang sana siya na lang..
Sana siya na lang ang kasama mo ngayon.
Sana siya na lang ang katabi mo sa pagtulog.
Sana siya na lang ang kayakap mo.
Sana siya na lang ang nagmamahal sayo ngayon...
Sana siya na lang Sana siya na lang..(ECHOOOO.....)
*HMM kailangan ko pa ng bagong info..*
*Laro muna kaya ako*
*GAme ulit*
Eh ang tanong eh ano ba ang nangyari?
Alam ba nya na mahal mo sya?
Mahirap ba talagang mag mahal?
*teka lang nagugutom na ako eh kain muna ako*
Mabalik tayo sa usapan pare..
Siguro napapaisip ka kung ano ang ginawa mong mali?
Bakit ang pinapangarap mo ay indi napunta sayo at sa iba?
Andyan ung lagi mo syang ka txt.
Ka chat,Yayain ka pa sa bahay nila.
Mag tatampo pag di ka pumunta.
Lagi mo pa syang nakikita at araw araw kang nginingitian
Pero wala..Wala pa din haggang dun ka na lang.
At nagtataka ka pa kung bakit?
Simple lang naman ang sagot jan..
Hindi ka nya GUSTO period padlock no erase..
So tigil na yang siya sana mo kasi pagbaliktarin man natin ang mundo..
Wala parang "You are not fated for each other"(<<english nadugo ilong ko tulong Type AB-NORMAL dugo ko).
*FLOW WITH THE WIND ay este GO with the flow muna tayo*
Meron namang isang klase ng Siya sana na mahirap talaga kahit na cguro sino mapapaisip sa lahat ng gagawin nya.
Eto ang Fated for Each Other but already Commited
Ika nga eh Para kayo sa isa't isa pero naka tali na kayo.
Komplikado pare Hassle,Jahe,Malas...
Ano na ang gagawin mo ngayon?
Siguro anjan na ung medyo pa sweet ka sa kanya.
Bigay ng simpleng regalo picture nya na pinadrawing mo sa ka tropa mo.
Para may effort diba.
Para kang ng liligaw ulit..
Pero sa bandang huli maiisip mo ung partner mo or ung partner nya.
TOl pag humantong ka na dito Take measures kung baga eh.
Timbangin mo muna ang makukuha mo at ang mawawala sayo.
Mahirap man tanggapin pare mali na ito.
Meron na sya,meron ka nadin.
Ika nga sa taas Tig iisa lang tayo.
Indi ang kay JuanRay ay kay JuanRay at ang kay PEDRO ay kay JuanRay din.
Enjoyin mo na lang siguro ung mga simple moments na meron kayo na parehas kayong masaya.
At least un lang naman talaga ang pakay mo tol eh ang mapasaya mo sya na masaya ka din.
*Kuha muna ako comment mula kay idol pano tapusin*|
*EHem*
Ang ending eh choice nyo ng dalawa na wag ng ituloy pa.
Mahirap na ang nangyayari.
Kahit na may tinatawag tayong RISKY and FUN or SAFE and BOring.
Pero kung cross the bounderies eh mabuting pang call it quits..
END it
AND BALIK TAYO SA CIRCLE NG WALANG KATAPUSAN NA SIYA SANA..
*Medyo nahirapan ako dito ah*
-juanray
*sound trip na kasama nya https://soundcloud.com/gvfg12/siya-sana-giovan-original.....hehe*