*Office gawa ng parang valentine special na sulat*
*Hayss bugtong hininga*
*Mag vavalentine nganga*
Ano ba feeling ng may valentine?
Ito ba ung special someone mo? crush mo? nililigawan mo? or yung BF/GF mo?
Madami no? Pero mas mahirap pala pag mahal mo tapos parang minsan bale wala ka sa kanya.
Minsan sa isang iglap wala lahat.
Your plans,mga pinagsamahan nyo wala lang.
sorry medyo off topic pala may hugot..
Ngayong year na to ano ba?
Uso sa fb ang mga post na Single awareness day nanaman wla ng pinagbago dun.
May bago nga lang ngayon ang post na Saan ka takot? Sa friday the 13th,Single ka sa 14th kasi nga valentines oh wla kang sweldo ng 15?
Nakakatawang basahin at isipin pero totoo may tatamaan na mga tao.
Sa mga nag bibiro ung 15 syempre pero sa loob pag single 14
Yung friday the 13th na yan d naman tlga malas yan eh parehas na araw lang din yan.
*Sipon lang saglit sorry*
Ang valentines talaga madalas hindi para sa mga couple kundi para sa mga single.
Madalas dito sila nakakatagpo ng para sa kanila talaga.
Masaya mainlove pero syempre nga sabi nila may karma may balik.
Lahat ng kasayahan may lungkot din.
Masasaktan ka talaga pag nag mahal ka its part of it wag ka na umangal.
Ang relationship ay dpat talaga dalawang tao ang umaayos hindi yung isa lang.
At buo dapat ang pag titiwala mo sa kanya. pero be careful when to open your heart kasi vulnerable ka.
Masasaktan ka pero be thankful din kasi experience yan.
Dun nga sa movie na uso ngayon "Kasi 'yung ganyang klase ng love, 'yung ganyan ka-overwhelming, imposibleng walang puntahan"
imposibleng wlang pupuntahan eh. may mababalik sayo na pagmamahal not neccessarily sa taong pinagbigyan mo pero sigurado ako mababalik yan sayo.
Totoo naman siguro yun pero may banat pa din dyan
Mace: “Kung mahal mo, habulin mo, ipaglaban mo. ‘Wag mong hintaying may magtulak sa kanya pabalik sa’yo. Hilahin mo. Hanggang kaya mo, wag kang bibitaw. Sorry, mahal ko eh.”
Pag sinakripisyo mo trabaho mo at pamilya mo para sa mahal mo, yan ang true love. ‘Di ka takot eh. Pero, kung ilang beses mo ng hinabol, pero ayaw pa rin sayo, tama na.
Pero ano ba talaga ang time to let go or not to?
Dapat malaman mo din kung anong worth mo mahirap mag mahal oo eh kaya ka nga nag mahal eh kasi handa mo patunayan.
Give your best shot at hayaan mo na lang ang mangyayari. You did all you could.
*naiisip ko sya*
Mahirap talaga pag ganto naiisip mo lahat flash back.
Gusto mo ayusin pero di mo alam ang gagawin mo.
Maybe just give it sometime faith pa din talaga ang mangyayari.
Kung kayo talaga sa huli ma magnet pa din ang taong para sayo.
Madami din nag sabi sakin na ang love story mo hindi ikaw ang gumagawa kung din ang tao na nasa taas.
*:(*
Kahit gaano ka tagal pa kayo time is just a number.
Hindi naman to ung saya at lungkot na pinagdaanan nyo its just the time spent together.
Madaming tanong talaga pag nag mahal ka no?
Nag compile ako ng mga nasabi saking tanong tungkol sa pag ibig na yan.
Bakit sa maling tao tayo na-fa-fall?
Bakit hindi ka gusto ng gusto mo?
Bakit di mo magustuhan yung may gusto sayo?
Bakit hindi nalang yung mahal mo, mahal ka din para masaya?
Bakit di ka crush ng crush mo?
Bakit ka laging seenzoned?
Bakit may mga taong ang bilis makalimot na parang wala kayong pinagsamahan?
Bakit may mga taong ang sakit mag-salita?
Bakit may mga taong walang pakielam kahit masaktan ka basta magawa nila yung gusto nila?
Bakit ang daming manhid?
Bakit ang daming pa-fall?
Bakit ang daming paasa?
BAKIT NGA BA?
masasabi ko lang HAVE FAITH – pray for her. Trust God that you will end up together. If not, God has better plans for you.
*gulo ng sulat ko sinasabi ko lang nasa isip ko ngayon*
Sa dami ng pinagsamahan niyong dalawa, mga away na nakakapagod na nalagpasan, mga pangyayari sa buhay na kayo lang ang nakagawa, Hindi basta mabibitawan ‘yon e. Minsan, sa buhay natin kahit naririnig at nakikita na natin ang mga nangyayari mas pinipili natin maging bulag at bingi para hindi ka na lang masaktan, tipong ipagpatuloy ang buhay na nagtitiis na baka sumaya rin sa huli.
Pero ang hirap kapag wala na talaga, kapag ginawa mo na lahat, nakisama ka na, yung kasiyahan mo sinakripisyo mo na, kahit na harap-harapan ka na nasasaktan mas pinili mo pa rin ngumiti kahit ramdam mo sa sarili mong niloloko mo na lang ang sarili mo. ‘Yon siguro yung masasabi mong achievement mo sa sarili mo kapag nagmamahal ka. ‘Yong katangahan na sinasabi dahil mas pinili mong magmahal kesa mas maging praktikal. Paanong praktikal? ‘Yong tipong kapag hindi mo na kaya e susuko ka na agad. ‘Yon ang praktikal.
Pero kapag mas pinili mong magmahal? Lalaban ka e, bibigyan mo palagi ng pagkakataon kasi alam mong kaya e. Nangako kayo sa isa’t-isa e. Tutuparin niyo dapat ‘yon. Sinabi niyo ‘yon e. Galing sa puso niyo ‘yon e. Tinutupad dapat talaga ‘yun. Pangako ‘yun e. Pangako.. Pangako.
action speaks louder than words. ang pag ibig o pagmamahal ay di lang basta basta sinasabi. Ito ay dapat na PINAPAKITA, dapat na PINAPADAMA at dapat na GINAGAWA.
*Ano ba talaga ang love?*
wla nang forever
wla nang truelove
ang natitira na lang tlga ang meant to be.Tadhana nga naman minsan mapagbiro.
Ang valentines ay araw ng mga puso.
Pusong takot mag mahal.
Pusong nasira.
Pusong nagmamahal ng tunay.
Pusong umaasa na maging maayos ang lahat.
Pusong andyan lang go with the flow lang.
Pusong nasasaktan.
Pusong lubos mag mahal
Pusong tanga
Pusong bobo
Pusong Puso lang wlang pake alam at least puso.
Puro puso na lang haggang sa isip ko puso pa din
HART......sa mga kaibigan ko alam nyo na kung sino ang mahal ko.
Bakit ba ganun ang tadhana?
-juanray