Sunday, June 2, 2013

Paghihinatay...

*susubukan ko gumawa ng requested article*

*hmmm kakain lang ako ng lugaw wait lang*

*may 19*

Paghihinatay...

*ok sige mag intay ka lang dyan ahaha*

bakit ba tayo nag iintay sa pag-ibig ng isang tao?
alam nyo bang tao lang tayo?
Napapagod at sumusuko...
pero naisip mo na din ba na di naman tayo susuko mag mahal eh
kasi magmamahal pa din tayo ng isang tao at di natin maiiwasan yun.

*Medyo mahirap pala tong topic na to*
*hinga kunti*

Diba tol may kantang someday will know?
siguro isa din ito sa mga dahilan kung bakit tayo naasa mag intay.
indi ung kanta ha ung kataga nito.

*hmmmm JEHHHH ano po un?*
*napapagod na utak ko ah*

may tanong pala ako sayo tol.
ilang beses ka na ba nasaktan at naiwan pero may gana ka pa din mag intay?
ilang tao na din ba ang nakita mong nagintay sa wala?
kung maiisip mo na hmmm napakamalas mo abay may sasabihin ako sayo.
wala kang karapatang magmahal kung hindi ka handang masaktan period end of story.


*ang layo na ata ng nalalagay ko ah*

Diba sa pang iintay siguro ito ang madalas mong sabihin sa sarili mo..

Balang araw mararanasan ko din Sumaya
Balang araw mararanasan ko din Ngumiti
Balang araw mararanasan ko din ang madama ang yakap at pag mamahal.

Ilang taon ka na ba nag iintay? ilang taon kana ba naghahanap ng JEEP na pwede mo parahin?
Mahirap mag hintay pero sabi nga nila kung worth it naman daw why not?
ang matagal mong inintay ay indi basta basta mawawala sayo?
tama ba ako pare?


*Laro muna ako stop muna*
*after long long 4 days nasa bakasyon nga ako eh*
*bute nadala ko tong laptop kaka bored eh*
*ang lungkot ko naman walang nag txt ahahah*
*2loy tayo*

pano tol kung inintay mo sya...
at andyan na nga sya.......taposssssss... bilang.....
boom....!! ayaw mo na pala sya. hmmm?

*ayun may nag txt ahaha si labs*
*ayun! di nag reply pag tpos ahaha*

*nakakaboring din pala mag bakasyon pag walang internet*
*ano kaya balita sa outside world ahaha?*

sige tol sabi mo iintayin mo kahit gaano katagal pero ang datingan eh
pag gising mo sa isang napakagandang umaga biglang ayaw mo na?
ung parang napagod ka na,nawalan na ng pag-asa kahit andyan na sya.
parang nature na ang nag husga.
wala naman tayo magagawa tao lang tayo napapagod..
Indi tayo makina na kung ano ang dapat gawin ng paulit-ulit ay ok lang at indi tayo napapagod.


*nawala pa ung soundtrip ko naman*

ang lagay pare eh.. may tanong ako sayo..
kanino ito mas masakit sa nag-iintay na napagod at nag let go na lang? O
sa iniintay na akala na may nag-iintay pa sa kanila?
hindi ko to masasagot para sayo kasi depende ito sa sitwasyon mo...

ayan sa mga nag-papaintay bilis bilisan din pag may time.
malay mo ang taong nag iintay sa inyo ay maapagod at mawala na lang bigla.
tapos saka mo maiisip ang sakripisyo at time na nila sa pag-iintay sayo.
LALO na ang HALAGA nila pag nawala sila sa inyo.

Sa mga nag iintay naman na kaya ka pa eh... ang masasabi ko lang sa inyo
sige lang hanggang kaya pa.
sa mga indi na makapag-antay eh... tanggapin mo lahay ang puwedeng mangyari
sa desisyon na ginawa mo.
as long as MASAYA ka! yun lang naman un eh LIVE AN AWESOME LIFE.
lahat tayo may KARAPATAN para maging masaya.
GOD gave us that.
Panigurado yung nasa taas alam na alam nya ang gagawin nya para satin ^_^.

*shot muna jeh aahah*

Sa pag-iintay laging ORAS ang kalaban natin.
ORAS na indi mo na kayang ibalik..

*badtrip walang time machine sa panahon natin*
*TIME MACHINE!!!.. time machine*
*babalik ang oras ngayon din.*
*Libre lang mangarap*
*ahaha kumanta ba naman daw..salamat sa kamikazee*


ang pag-iintay na nawala ay parang pag-kakataon na biglang indi binigay.
malay mo sa ibang pag-kakataon ito ay ibibigay sayo..
laging tandaan ang bagay slash (literal ahaha) tao na matagal mong inintay na napasayo ay matagal din bago mawala sayo.
O pang habang buhay mo na....

*hikab*


Ikaw ba tol,pare,mare,brad,mam.sir,it?,etc?
MAY INIINTAY KA BA? ANO YAN PASKO?
GALAW GALAW DIN PARA MABILIS ANG INIINTAY....


*wohooooo LIGO SA DAGAT!!!!*


*ay nakalimutan ko pala sabihin tapos na ang PAG-IINTAY mo LIDER!! MISYEL sa artikulo ko..*
*eto na lang gradgift ko sayo kasi request mo to...*
*dun sa nag message sa google JOHN RAY po ang name ko nick name ung jeh...mas ok juanray maharot ahaha*

May 26 na!!!
late ko pa to ma upload wlang net dito sa bakasyunan ahaha
-juanray

No comments:

Post a Comment