Wednesday, April 10, 2013
BABAi
ang mga babae? sa ibang aspeto
irespeto
*eto nanaman tayo*
Teka pano ko ba sisimulan?
hmmm... nakakapagod mang isipin natin mga tol kung ano ang isang babae para satin
eh madami na agad tayong naiisip pag "Babae" ang word anjan na ung
maarte,masungit,mataray,snobera,at higit sa lahat "Friendzone" ka lang.
*napangiti ka no? balik tayo*
Pero naisip mo na din ba ang positive side sa isang babae?
Malamang OO diba aminin mo man oh hindi sa sarili madami silang positive side.
Malambing,Caring,Inaalala ka lagi kaya nag susungit at higit sa lahat mahal ka nila.
*inom lang muna ng kunti*
Ang mga babae sensitive yan.Kaya dapat lagi alagaan.
madalas pag tinanong mo kung OK ka lang? kahit di sila OK ang sagot "OO ok lang ako".
Kahit naluha na sila.pag nakarinig ka ng ganyan dapat alam mo sa loob nila di sila ok.
Kailangan natin minsan mag effort para gawin silang OK talaga syempre mahal natin sila eh.
Lagi nilang gusto na sinusuyo natin sila.
*pikit parang antok na ako...Ok tuloy ang sulat*
silang mga babae puro daldal yan tapos wala tayong kibo.
Tangapin mo na lang ung sinasabi nila,
Kasi alam naman nating para satin un eh,they care for us.
Isipin mo na lang ang nanay mo? ang girlfriend parang 2nd nanay na natin sila para namang sa ikakabuti din natin eh.
Saka minsan pag nag salita pa tayo na misinterpret pa nila lalo tayong mababaon.
parang nanay nga lang natin ahaha.
*hikab*
ang mga babae anjan lang yan..
kahit di mo sila pansinin kung tunay ka nilang mahal di yan aalis para sayo.
anjan na ung pilit ka nilang papangitiin kung may problema ka.
pag katapos pag napangiti ka nila sabay tanong anong problema mo?
Sumesegway din yang mga yan para maging maayos ang lahat parang tayo lang.
Marami akong kilalang ganyan na mga babae.
*may naiisip ka na sigurong babae?*
Minsa may nag sabi sa tropa ko."Makakahanap ka din ng babaeng magpapatino sayo".
Totoo yan kahit gaano pa tayo ka gago lahat na meron makakatiis na nasa tabi mo,
at dun mag uumpisa ang pag-babago mo.Baliktarin mo man ang mundo mayroon kang makakatapat.
madami na akong nakilalang mga gago na tumino dahil sa isang babae at naging asawa na nila.
*SAPUL*
Sigurado napapaisip ka ngayon sa pag-trato mo sa mga babae no?
Ang katagang laging sinasabi ng mga babae na "Parepareho lang kayong mga lalake".
wag kang mag salita na agad na indi lahat kasi sila may naisip ng pang bara dyan gusto mo isang example?
"yan ang madalas nyo namang sagot eh".
Dapat mag iba ka parang ganto "Siguro tama ka nga pero pwede ko bang patunayan sayo na iba ako?"
Pero suguradihin mo tol kaya mo ha,Di lang puro salita dapat talaga pakita mo kasi gusto nila yan.
*hmmm*
Ang mga babae nasasaktan yan lagi.
Minsan subukan mong isipin ung kalagayan nila at isipin mo anong mararamdaman mo?
para you know how you will take care of her not only in the outside world but also in her emotions.
Isipin mo lagi lahat tayo may emotions sa lahat ng bagay.
We need to be sensitive para sa kanila ganyan talaga mag mahal ng babae.
Ipakita natin sa kanila na dumating na ang Knight in Shining Armor nila.
*naks na pa english tuloy ako nabili ko per kilo kanina sa Raon ahahah*
Ang mga babae para satin ay iba-iba,
Madalas may four categories pa HIPON,LOLLIPOP,BULALO at BUKO.
Ang gago talaga natin.(panigurado may tawag din sila satin)
Pero tandaan mo kung ganon ang tawag mo sa kanila may nagmamahal na lalaki na
tinatawag syang MARIA CLARA ng buhay nila na dapat alagaan at irespeto.
*its been a while para sa bagong sulat ko*
-juanray
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment