Thursday, April 11, 2013
LDR(Long Distance Relationship)
LDR(Long Distance Relationship) minsan may tumawag na Relationshit?
*hmm ano nga ba ito*
ano ba sa palagay mo talaga ang LDR?
Ilang KM. ba ang minimum para matawag na Long Distance Relationship?
Siguro indi naman lahat ng LDR ay pangit ang kinakalabasan or madilim..
May iba din namang matatag ang relationship nila parang ung bato sa may Japan,
Dinaanan na ng Tsunami nakatayo pa din.
Isang relasyong kailangan ng wagas nA PANG-UNAWA at walang hanggang TIWALA.
*isip pa jeh isip pa!!! help naman pare*
Sabi NI Ramon Bautista ito ay higit pa sa Panatang Makabayan dapat tapat ang parehong partido,
at panatag ka na gagawin din ng isa ang pinangako mo.
Napakahirap isipin diba? parang sa mga matatag lang ang LDR kasi ung close distance relationship
naghihiwalay pano pa ang LDR? katotohanan lang.
Noong unang panahon uso na ang LDR at sa aking pagsasaliksik kay pareng google eh nakaranas nito
ay si Jose Rizal ka penpal nya sa pinas si Leonora Rivera.
Pero talagang uso na talaga ang pang babae kahit si Rizal mismo ay di nakatiis dito.
*naniniwala na talaga na ako na history repeats it self*
*wla pa talaga akong experience sa LDR*
Kung iisipin mo halos parehas lang sila ng SDR.
parehas din na it need trust and LOVE..
sabi ng mga kakilala kung nasa LDR distansya lang yan.
Marami namang ways para ma show mo ang love isa't-isa lalo na sa technology ngayon.
Parang your love is like a text,phone call,skype,facebook,twit,etc.. away.
*sakit sa ulo kung walang kuryente wala lahat yan*
*Mabalik tayo sa pinaguusapan natin pare*
Pano kung wala lahat ito?
Madalas ang end up breakup,siguro ang mga rason eh walang physical contact,
tapos ang malala eh may physical contact sa iba, isa pa eh walang Faith and Trust sa love nila.
Kaya usong uso ung mga taong pag-balik sa ibang bansa eh may dagdag na sa anak nya(sa totoo lang madami nito).
*nakakatawa mang isipin pero ang LDR ay mahirap*
Tanungin mo sa sarili mo pano ka makakasurvive sa isang LDR?
kung ikaw ay nasa isang relasyon na ganto.
meron bang checklist para maging maayos to?
share mo naman?
yan ang mga katagang narinig ko mula sa isang kaibigan
*painom muna ng tubig*
Diba masaya pag kasama mo ang taong mahal mo?
nagkikita kayo,naguusap,nararamdaman mo ang pag mamahal nya ang PRESENSYA nya.
diba kahit kanto lang ang pagitan mamimis mo sya pano pa sa LDR?
panigurado mas mahirap to.
sa sobrang layo dito dapat gumamit ng imahinasyon kasi ang dami mong lalanguyin na dagat,
aakyatin na bundok, tatawirin na ilog kasi bihirang bihira kayo magkita pagkat miss na miss mo na sya.
*pumasok ko tuloy ang Avengers sa utak ko*
Sa totoo lang parang gusto mo maging parte ng avengers
Lumipad parang si Iron man,Tumakbo na mabilis na parang si Capt.America at kahit ang long distance eye sight lang ni hawk eye
para makita mo lang sya.In short gusto mo maging superhero para lang sa kanya.
*dahil sa init kung ano ano na ang naisip ko*
Diba masaya siguro ung mga time na nag chat lang kayo eh nag gagala kayo with matching pa sway sway holding hands.
pero malungkot kasi indi pwede alam mo ang distansya ay napakalayo.
wag ka naman mag alala di naman lahat ang end up ay kalungkutan sa LDR
think ang advantages ng LDR sa SDR kasi madalas nagkakasawaan kaya ayun alam na ang nangyayari.
Sa LDR bihira mang yari yan kasi diba malayo na nga ung tipong nanabik ka para sa kanya.
*Tigil muna pare pahinga lang saglit*
*Isip ako ng kunting rules*
Eto na mga pare ang rules na naisip ko.
1.Eto ang crucial rule dapat lagi kayong may communication kailangan ko pa ba ito explain?
2.Dapat may agreement-ito yung parang promise nyo sa isa't-isa para lagi naiisip ng bawat isa ang resposibilidad nila sa partner nya.
3.Lagi kang mag tanong sa partner mo- bakit? para malaman mo kung anong nangyayari sa araw nya para kung mag kita man kayo eh indi ka gulat na nangyari yun.
4.Corny o ma Keso mang isipin Say always i love you or mahal kita kahit words lang yan at wala ka sa presensya sa kanya asahan mo may impact sa kanya yan.
5.Effort- means kunwari bday nya mag bigay ka ng simple card lang.. Try mo ang UPS,DHL,LBC? etc..uso mag padala minsan ahaha mura lang..(nag endorse ba naman daw ako)
6.Ang trust ay kailangan sa bawat isa- siguro di ko na din kailangan explain to.
7.at last ang pinakamahirap ata gawin HUWAG LUMANDI- syempre pag lumandi nako matic yan sira ang lahat kaya mag isip ka muna bago lumandi.
*kung may idadagdag ka pa lagay mo lang feel free pare ahaha*
*Balik tayo sa usapan*
Syempre may LDR ay end up ay sa kabilang side parang isang normal na relasyon lang.
Ang mga di naka survive sa layo,sa tagal ng paghihintay, nag sasawa din dahil di maramdaman ang presensya nga nila hanapt tuloy ng iba.
syempre minsan di din nag kakaunawaan,nagkakagalit din naman kaya ano na?
masasabi mo na lang ANYARE?
*ang init sa pinas!!!*
ang LDR ay parang sugal make or break nga diba.
You only live once so take risk yan ang motto ko.
True Love has many forms di mo alam kung alin dito ang para sayo.
Malay mo isa ka sa mga taong mapalad na ang Faith for love is crossed sa LDR.
para sa mga gamers point of view ito ang tinatawag na TIWALA GAMING LANG.
Good game kung Good game diba
Lagi mo lang isipin "MAKAKASAMA MO DIN ANG TAONG MAHAL MO" kahit ilang KM pa ang pagitan nyo.
*sarap mag inom*
*itong maharot na article ay request ng isa kung kaibigan na babae*
-juanray
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment