Wednesday, April 10, 2013

HAy ang TROpa nga naman..





*hmm*

*ZzZZZZ*

TROPA!!!!!!

Mga pre,tol,brad,pare,idol,brader, at kung ano ano pa yan ang mga karaniwang tawag sa isang Tropa na masaya
xempre laging may parang tangang kasama...

*pano ko b sisimulan!!!! sabunot sa ULO*<<imagine nyo n lang....

ito at dahil masakit ang ulo ko at lutang ang utak dahil san damukal na problema na dumating sa buhay ko...
Sisimplehan ko na lang tong pag type ko... grabe tlaga...OK game ang mga tao sa Tropa..

Organizer-ito ung tao sa tropa na laging may plano kung baga parang written format lagi. sya ang halos nag aayos ng lakad,plano at kung ano ano pang may kinalaman sa pag gagala o tamang trip lang, basta sya lagi ang organizer pati ata buhay nya meron syag format pano gagawin..pero kung wala to sya sa tropa magulo ang buhay.. sya lagi ang tagapagsalita ng tropa sa iba parang representative sa labas oh dba slash PRO pa haaha

*BOom sakit ng ulo ko tapusin ko n lang sa ibang araw*

*kasunod na type*
*ano nga ba pare?*

ANg Robot/utak computer-Sa tropa e2 kung baga ang cyborg ahaha lagi syang may tawag sa mga na pwede nya marelate sa computer adik na ata sa computer nagiging alien na minsan ang pag sasalita nya.pero kung wala to sa tropa...hmmm boring.. kasi mawawalan kayo ng PARE ano un sa computer? kung baga pwede syang walking libro about sa computer d mo na kailangan mag google.masaya sila kasama kung trip mo din ang computers ngayon at gadgets parang may libre kang taga ayos ng gadgets mo.

Muse/parang lalaki minsan- sa lahat eto ang nasa pinaka!!! MAGANDA,SEXY kung baga pang pagent nga eh..pero may tinatagong kalokohan sa loob ang mga ito sila ung akala mo babae sa mga bagay pero magugulat ka may lalaking kilos din that what makes them cool nga sa iba..sila lagi ang pambato ng tropa sa pagandahan portion ng mga barangay,skul at kung ano pang maisipan na isali sya...

*Sempre mawawala b naman ang!!*

Escort/akala mo bading kung maka lagay ng pulbo sa muka-ang madalas partner ni muse xempre pogi tong mga to ang heart rob ng tropa.. laging matinik sa chiqs at laging may chiqs parang pangarap lahat ng mga lalaki may chiqs lagi pero minsan napapaisip ang mga ka tropa kung ano b tlga xa dahil na ubod ng kinakalikot ang muka nya,laging may pulbo,hilamos d2 hilamos dun halos d mo makausap laging nasa banyo..every break ng class or sa lakad man sa labas..

*nxt please!!*
*wla akong maisip!!*
*mea mea naman inom lang ako ng tubig*

Daragista/takot sa GF-ang daragista ng tropa malamang nalagay na nga sa title nya eh..sila ang SUPER HERO!!! pero gusto lagi manapak ng taong umaway sa tropa nya..pero lahat naman ng super hero may kahinaan dba? at dito pumasok ang kanilang!!!!! GIRLFRIEND isang sabi lang HOY tama na aun parang asong naging tuta..

GAMER/minsan wlang social life-ang mga tao na to sa tropa ay madalas d mapansin kung hardcore gamer tlga alam nyo bakit? kasi laging wla pag may malakad ang tropa..laging inuuna ang laro pero minsan pag sumama akala mo parang character sa pinang lalaro nila gusto maka alis agad..(*para namang mananakaw computer mo sa bahay*) hindi sila robot. kasi alam lang nila mag laro ng maglaro...

Divine/taong simbahan-literal taong simbahan sila..lagi silang nasa simbahan pag may activities ang simbahan.madalas simple lang sila pero may pag ka wild din sila pag kayo kayo lang.Sila madalas ang mababait sa tropa laging nag iisip ng gagawin at may connection sa Bible.

ANG GOOGLE-BOw e2 ang halos paborito ng mga magkakatropa .sila ang genius!! ang SOURCE!! ang SERVER!!! ng mga sagot ahahah..laging nasa unahan ng CHEATING arangement kasi lahat kokopya sa kanya ahahah..

ANG tHE mOVES/Copy paste master-Sa mag kakatropa sya ang laging may diskarte.di sila masyado matalino pero madiskarte sa pag kuha ng mga sagot akala mo may super power sila. sa pagsusulat ng mabilis,ang 20/20 vision kahit malayo,ang super sensitive hearing nila,at higit sa lahat ang pag proproduce nila ng sagot out of no where.

JAck of all trades/master lang ng kalokohan-sa tropa sya ang pinaka madiskarte sa mga bagay bagay pero pag na STUCK na ay alam na tatawag na ng tulong yan..madalas mga siraulo ang mga to akala mo wlang nangyayari.happy go lucky kung baga. puro kalokohan ang nasa isip pero minsan seryoso (*in short parang may sapak lang* ahaha).

LAruan-ang laruan ng tropa(*minsan barbie doll?*) sya lagi ang napapagtripan ng tropa..pero di masaya ang tropa kung walang tanga sa group.
ang mga taong ito ay di basta basta napipikon..kahit xa napapag3pan.

Latak/butaw-ang mga taong kasama sa tropa pero di mo maisip san mo sila ilalagay ng mga nasa taas pero masaya silang kasama.

*hmmmm*

Ang mga yan pwedeng iisa oh marami at pwedeng pinagsamasama sa isang tao ang katangian kaya bahala na kayo mag isip kung ano kayo ja..

*ano pa kaya pwede kung maidagdag jan?*

*AY*

ang higit sa lahat....eto ang mortal na kaaway ng tropa..

ANg POLYCARBONATES-Literal na meaning nya plastic ung mga nakikita nyo sa lansagan pero ang polycarbonates ay mga highclass na plastic kung baga bumagyo man na 3 beses na ONdoy at mag sama ka pa ng ka tropa nyang si HAbagat eh di pa din sila natitinag.ang mga taong eto ang madalas gusto manira ng tropa.madalas sa umpisa kakaibiganin ka lang mga to pag may kailangan sayo..(*kaibigan ka lang nila pag may kailangan sila sayo*?)..kaya babala sa mga taong POLYCARBONATE at wag maging isa sa kanilang lahi.

*wala na akong maisip na pwedeng maidagdag*

ANG GOLDEN RULE!!!

Walang iwanan TROPA TAYO EH..

*idlip ng kunti*
*isip ng title*
HAy ang TROpa nga naman..

-juanray

No comments:

Post a Comment