Sunday, July 28, 2013

In life, you will get angry, devastated, disappointed or even depressed. 

You will be hurt and learn how to cry and grieve at its worst. 

That is normal. But what is extraordinary is that after all these trials, you will be able to show people that you have conquered it all and let them watch you become the happiest person on earth.



-juanray simple quote na nabasa ko ^^

Sunday, June 2, 2013

Paghihinatay...

*susubukan ko gumawa ng requested article*

*hmmm kakain lang ako ng lugaw wait lang*

*may 19*

Paghihinatay...

*ok sige mag intay ka lang dyan ahaha*

bakit ba tayo nag iintay sa pag-ibig ng isang tao?
alam nyo bang tao lang tayo?
Napapagod at sumusuko...
pero naisip mo na din ba na di naman tayo susuko mag mahal eh
kasi magmamahal pa din tayo ng isang tao at di natin maiiwasan yun.

*Medyo mahirap pala tong topic na to*
*hinga kunti*

Diba tol may kantang someday will know?
siguro isa din ito sa mga dahilan kung bakit tayo naasa mag intay.
indi ung kanta ha ung kataga nito.

*hmmmm JEHHHH ano po un?*
*napapagod na utak ko ah*

may tanong pala ako sayo tol.
ilang beses ka na ba nasaktan at naiwan pero may gana ka pa din mag intay?
ilang tao na din ba ang nakita mong nagintay sa wala?
kung maiisip mo na hmmm napakamalas mo abay may sasabihin ako sayo.
wala kang karapatang magmahal kung hindi ka handang masaktan period end of story.


*ang layo na ata ng nalalagay ko ah*

Diba sa pang iintay siguro ito ang madalas mong sabihin sa sarili mo..

Balang araw mararanasan ko din Sumaya
Balang araw mararanasan ko din Ngumiti
Balang araw mararanasan ko din ang madama ang yakap at pag mamahal.

Ilang taon ka na ba nag iintay? ilang taon kana ba naghahanap ng JEEP na pwede mo parahin?
Mahirap mag hintay pero sabi nga nila kung worth it naman daw why not?
ang matagal mong inintay ay indi basta basta mawawala sayo?
tama ba ako pare?


*Laro muna ako stop muna*
*after long long 4 days nasa bakasyon nga ako eh*
*bute nadala ko tong laptop kaka bored eh*
*ang lungkot ko naman walang nag txt ahahah*
*2loy tayo*

pano tol kung inintay mo sya...
at andyan na nga sya.......taposssssss... bilang.....
boom....!! ayaw mo na pala sya. hmmm?

*ayun may nag txt ahaha si labs*
*ayun! di nag reply pag tpos ahaha*

*nakakaboring din pala mag bakasyon pag walang internet*
*ano kaya balita sa outside world ahaha?*

sige tol sabi mo iintayin mo kahit gaano katagal pero ang datingan eh
pag gising mo sa isang napakagandang umaga biglang ayaw mo na?
ung parang napagod ka na,nawalan na ng pag-asa kahit andyan na sya.
parang nature na ang nag husga.
wala naman tayo magagawa tao lang tayo napapagod..
Indi tayo makina na kung ano ang dapat gawin ng paulit-ulit ay ok lang at indi tayo napapagod.


*nawala pa ung soundtrip ko naman*

ang lagay pare eh.. may tanong ako sayo..
kanino ito mas masakit sa nag-iintay na napagod at nag let go na lang? O
sa iniintay na akala na may nag-iintay pa sa kanila?
hindi ko to masasagot para sayo kasi depende ito sa sitwasyon mo...

ayan sa mga nag-papaintay bilis bilisan din pag may time.
malay mo ang taong nag iintay sa inyo ay maapagod at mawala na lang bigla.
tapos saka mo maiisip ang sakripisyo at time na nila sa pag-iintay sayo.
LALO na ang HALAGA nila pag nawala sila sa inyo.

Sa mga nag iintay naman na kaya ka pa eh... ang masasabi ko lang sa inyo
sige lang hanggang kaya pa.
sa mga indi na makapag-antay eh... tanggapin mo lahay ang puwedeng mangyari
sa desisyon na ginawa mo.
as long as MASAYA ka! yun lang naman un eh LIVE AN AWESOME LIFE.
lahat tayo may KARAPATAN para maging masaya.
GOD gave us that.
Panigurado yung nasa taas alam na alam nya ang gagawin nya para satin ^_^.

*shot muna jeh aahah*

Sa pag-iintay laging ORAS ang kalaban natin.
ORAS na indi mo na kayang ibalik..

*badtrip walang time machine sa panahon natin*
*TIME MACHINE!!!.. time machine*
*babalik ang oras ngayon din.*
*Libre lang mangarap*
*ahaha kumanta ba naman daw..salamat sa kamikazee*


ang pag-iintay na nawala ay parang pag-kakataon na biglang indi binigay.
malay mo sa ibang pag-kakataon ito ay ibibigay sayo..
laging tandaan ang bagay slash (literal ahaha) tao na matagal mong inintay na napasayo ay matagal din bago mawala sayo.
O pang habang buhay mo na....

*hikab*


Ikaw ba tol,pare,mare,brad,mam.sir,it?,etc?
MAY INIINTAY KA BA? ANO YAN PASKO?
GALAW GALAW DIN PARA MABILIS ANG INIINTAY....


*wohooooo LIGO SA DAGAT!!!!*


*ay nakalimutan ko pala sabihin tapos na ang PAG-IINTAY mo LIDER!! MISYEL sa artikulo ko..*
*eto na lang gradgift ko sayo kasi request mo to...*
*dun sa nag message sa google JOHN RAY po ang name ko nick name ung jeh...mas ok juanray maharot ahaha*

May 26 na!!!
late ko pa to ma upload wlang net dito sa bakasyunan ahaha
-juanray

Friday, May 17, 2013

what if?


Mga ka TROPA!!!!
its been a while since sa last post ko.

*ayun kakatapos lang ng malakihang blackout sa Luzon*

hmmm

What if?


*teka pano ba ang umpisa...*

Madami tayong tanong sa ating buhay..
Kung baga di matatapos ang isang araw natin na may tanong tayo..
pero ano ba talaga ang madalas nating tanong?

*after 3 days saka lang ako may idadagdag dito*
*ELECTION in the phil is the most stupid country daw tayo sabi ng time magazine pumasok kasi si nancy*

*May 17 na pala!!*

what if alam mong mahal ka ng mahal mo pero indi pwede maging kayo..
anong gagawin mo?
mapapaisip ka na lang siguro di nga kami para sa isa't isa?
time will tell?
or just go with the flow..


*antok na ata ako*

Sa totoo naman pag nagmamahal tayo ng isang tao para din sa sarili natin.
bakit kamo pare?
pano ba hmm kasi fullfillment natin yun..
we love the person hindi para may makuha tayong kapalit
kung baga eh matinding sukli.
Pero dapat alam nung tao na mahal natin sila..
Sa mga lalaki nga pag gusto or like parang equals na sa mahal na natin ung babae.

*ayun talo sa laro*
*sulat na lang ulit*


pag sa babae siguro ha pag like nila ung isang lalaki ay nako parang 50% pa lang tayo.
kikilatisin nila ito ng maiigi promise.
saka sila mag dedecide kung pwede nga tayo..
At sa maniwala kaman o sa hindi tol papasok nanaman ang what if?


*iikot nanaman ata ang cycle*

ang lagay eh may testing procedure sila..

example siguro ng mga tanong nila sa sarili nila

1.what if lolokohin nya ako?
nako ito talaga ang unang una sa utak nila pare wala tayo magagawa eh totoo naman.

2.what if baka may gf na xa?
no need to explain matic na ata to eh

3.what if di kami mag kasundo agad?
sa totoo lang tong tanong to eh madali sagutin kasi dito minsan papasok ung out of nowhere
ok good kayo bigla attraction thing ata eto na di ko kaya explain sorry.

4.what if di nya ako type?
sa panahon ngayon parang nanliligaw na din kasi ang mga babae sa mga lalaki.

5.what if ate/friend/bestfriend lang ang ituring nya sakin?
sa mga lalaki dyan di lang tayo ang nalalagay sa frienzone.


ang mga katanungan na ito ay pwede din baliktarin kung ikaw ay isang lalaki or ano man
basta it applies to all of us siguro nang testing din naman tayo sa tanan ng buhay natin.

*masakit sa ulo talaga mag isip*

meron pa

6.what if torpe sya?
natawa na lang ako sa tanong na to..alam na bakit torpe ako eh ahaha

7.what if baduy sya manligaw?
girls tanong lang pano masasabi na baduy manligaw ang isang lalaki?
*kahit ako nag tanong na din*

8.what if may vices sya?
mahirap talaga alisin ang bisyo sa isang lalaki. kaya swerte ang babae na mag papabago sa kanila
tipong bawas ang yosi,inom at napaglalaanan ka ng oras kahit ang dming nilalaro na computer games.

madami pa yan panigurado pero di ko na alam ung iba

*ok tapos na ata ung sa girls side*
*sa mga lalaki  naman siguro*

mga tol tayo namaN!!

6.what if busted ang abot ko sa kanya?
lahat naman ata tayo takot dito pero isipin mo sino ang lamang ha
example dalawa kayo ng tropa mo hihinge ng mga number sa isang place babae dapat
sa sampung babae walang nag bigay sayo.
sa kanya sa labing isang babae may isang nag bigay.
dba wala tayong mapapala kung di mo susubukan.

7.what if may complicated na bagay na ayaw ka nya madamay?
mahirap to mga tol andito na din ang tinatawag na SACRIFICE
madalas lahat ng tao takot mawalan sa mundong sinasabing lahat ng gusto mo pwede makuha.
ang SAKRIPISYO ang pinaka mahirap gawin sa lahat.
kaya siguro tol ginawa ung if you love her set her free.

8.what if na turn off sya sayo?
ahahah sa totoo lang pare di natin maiiwasan to.
kasi kung mamahalin ka nung girl tanggap ka nya lahat.

para sa lahat

9. what if tapos na ang relationship ano na ang mang yayari?

Friends? or not?

sagutin mo nalang tol di ko din alam ang sagot dyan eh.

at ang matindi

10. what if hindi ka mahal ng taong mahal mo?
      may sariling article to sakin pakibasa na lang sa baba


*all i hear raindrop falling from the rooftop*
*kumanta ba naman daw ako*


sa experience ko lang its true...its a lonely road out there so many questions by the end of the day..
ang dami dami kung tanong sa sarili ko na di ko masagot.
ung mga tipong tanong din ng iba sayo..

what if im the one for you? and vice versa mga ganyan ba ang banat.


pero pag tanong ng iba ang dali lang sagutin ahaha nakatuwa isipin no?
naalala ko ung sabi ng tropa kung si IDOL prince


The loneliest people are the KINDEST
The saddest people smile the BRIGHTEST
The most damaged people are the WISEST

what if nanaman isa ka sa mga yan?

*ahaha dami ko atang nahugot ah*

di talaga natin malalaman ang future kung lagi tayong what if ng what if
minsan gumawa din tayo ng paraan para malaman ang mga sagot sa mga katanungan natin dito sa mundo.

*pahabol lang gusto ko update tong article na to so mag comment kayo ng mga tanong nyo haha salamat*

-juanray

Monday, April 22, 2013

Jeep


Jeep

*teka papainit muna ako ng fingers para suled ang typing skills*
*panalo pala ang ginebra ngayon*
*EHEM game*

Pare naisip mo na ba minsan ihambing ang pag-ibig sa jeep?
Minsan nagka kwentuhan kami tungkol dito sa aking school na di ko
papangalanan kasi wala namang bayad pag nag endorse ako dito.


*Bumaba ako sa jeepney kung saan tayo'y dating magkatabi kanta lang ako ha*

Una ano ba ang ginagawa mo pag sasakay ka ng jeep?
Dba mag hihintay ka at papara?
gets mo? sa pag-ibig nag iintay ka din.
pero minsan kahit pinara mo nilalagpasan ka lang.
depende bakit ka nilagpasan,baka puno na o talagang
ayaw ka lang isama sa biyahe nya.
kaw na mag isip pano mo sya rerelate sa pag-ibig mo.


*kain muna tayo ng ice candy*


pag daan ng jeep iba iba ang sign board.
syempre paparahin mo ung para sayo?
alam mo na bakit para sayo ung jeep kung
pinara mo at sinakay ka nya.
kaya nga pinara mo kasi alam mo parang eto na ang pag kakataon na para sayo.

*may nakalimutan ako!!*
Ay minsan ang jeep na sasakyan mo ay puno na..
pare anong gagawin mo?
Edi SASABIT d naman bawal sumabit pero eto ang RISK na tinatawag natin.
You Only live Once so take risk...
Hirap pag inlove ka talaga.

*LOVING YOU....YOUU sound trip ko ahaha*
*balik tayo*

Pagsakay mo magbabayad ka..
tapos ang binayad mo minsan sobra o sakto lang.
bawal ang kulang..
kasi parang pag-ibig lang give and take lang yan.
bawal ang kulang sa bawat parte kasi matatapos ang lahat
tama ba ako pare?

*may naiisip tuloy ako*
Syempre pare ang pag sakay mo..
iba iba na ang experience natin.
ung tipong Smooth lang ang andar,mabilis at parang ang easy ng buhay at higit sa lahat masaya ang feeling.
pero di naman laging ganyan ang experience natin minsan nakaka inis na ang bagal ng biyahe.
at andyan pa ang paliko-liko na daan,lubak-lubak pa di na naawa no?
sana naman pare di mo naranasan na maaksidente sa jeep mo.
kasi ito ay napakasaklap na pwede mangyari.

*lalagayan ko pa ba ng pang hahabing sa pag ibig yan oh gets nyo na?*

Kung parehas tayo ng naiisip pare..
ating masasamo...
na ang journey ng pag-ibig ay iba-iba minsan nasa taas o baba lang tayo sa ikot nito.
Masaya o hindi tuloy lang ang biyahe.


*ISIP pa.. trending nanaman ang wall ko sa fb ahaha*
*gusto ko sa BORA!!*


isa pa pare minsan na trapik ang sinasakyan mo.
baba ka na lang at maglalakad na lang,
kaya lang kung kailan pag baba mo saka lang uusad ang
andar ng jeep patungo sa pupuntahan mo.

*ubo lang*
*may videoke na pala sa taxi ngayon ma share lang*

hassle pare diba parang pag-ibig pag nag give up ka na
wala na ang magagawa mo na lang eh move on kung baga lakad ka kunti,
tapos antay ka ng bagong jeep.
at mauulit nanaman ang kuwento ng jeep natin.

IKAW pare nakahanap ka na ba ng JEEP mo?

*salamat kay mjvn92 na nagmulat at nagbahagi ng idea na ito sakin para magawa ko tong jeep na to*

-juanray

Sunday, April 21, 2013

KAPIT

Usapang pwede ka mag bigti... sa malayong lugar na di natin sasabihin... 

featuring BOGART the XV

 Juanray: pare anong bago?

 Bogart the fifteenth (XV): bago?
KAPITAN KAPIT-AN KAPITAN NA BAGO NGAUN SIR nakatali na eh alam nang masasaktan gugusto pa

 Juanray: anong gagawin ko eh meron eh...

 Bogart the fifteenth (XV): eka eka...meron yan kase ganito yan minsan naman kase di napipigilan eh kahit alam mo nang meron na. sya eh kung tlgang gusto mo....di mo namaiisip yon ansabe mo?

 juanray: ganun talaga pare malay mo mali ung isa.

 Bogart the fifteenth (XV): tsk labo sir. di ren lam mo eto pa depende ren sa kinakapitan na may kinakapitan pa kung magpapakpit pa

 Juanray: pano kung alam mong peke ung kinakapitan edi suled mahirap

 Bogart the fifteenth (XV): mahirap nga tlga nasasa nagpapakapit/kumakapit un kas kase sana i weigh-in na lng nia tanstahin ba kilananin pagpilian db?

 juanray: ang buhay ay iisa lang so take risk marami ka namang magagawa kung mali edi mali LEARN nga diba

 Bogart the fifteenth (XV): oha tsaka wag pagsisihan ang gma nagawang desisyon parang di lalake eh walang sisi sisi choice mo yan walang "no choice" eh

 Juanray: andun na tayo pare lalake nga tayo eh dapat panindigan lahat

 Bogart the fifteenth (XV): TAMA wlang dahidahilan luge eh

 Juanray: anong magagawa ko mahal ko eh kahit maluge pa ako ng ilang MILLION para sa Mahal mo gagawin mo lahat diba?

 Bogart the fifteenth (XV): ou pero pag inlove ka nawawala na ung rational thinking na sinasabe lugeng luge ka na feeling mo panalo ka pa

 Juanray: its part of being in love pare kasi yun ang fullfillment mo

 Bogart the fifteenth (XV): ahaha fuck(pasensya daw sa word) love. well tama pati pride kakainin mo na ren 

Juanray: kahit naman sa normal na pang yayari sa pag ibig mahal mo sya eh sya lang ang princesa o miss universe ng buhay mo kahit meron pang iba gagawin mo bwisit ung cupido

 Bogart the fifteenth (XV): pero teka eka dun tayo sa usapang kapit sugal na sugal ung dating e

 Juanray: atsaka pare ang love have many forms malay kahit naka sugal ka manalo ka at sya na ang para sayo KAPIT lang ng Kapti kasi ang uso ngayon kung sino ang marunong intindihan ka ung ang nagugustuhan mo

 Bogart the fifteenth (XV): kung kakapit eh...wag na magdrama masyadoalam moa namn kung ano ung pinapasok mo eh wag ka magreklamo na mahirap masakit db? wala eh ganon tlga kasama sa package ung ng UMASA wag assuming na mahal ka ren o anuman tandaan...umeextra ka lng mag inarte kung nararapat ung tipong alam mong mahal ka ren gusto karen hindi ung ika lng nakaka alam tapos mag dradrama ka na masaket ABA'Y MALAMANG! db?


 Juanray: kasi minsan kahit d mo alam na nag care lang sya sayo iba na naiisip mo pero pare san ba talaga hahantong ang usapan natin may mahal ka ako naasa na lang na mahal ako may mahal ka na mahal ka pala ako umaasa na lang na mahal ako ng mahal ko masaya na akong nakikita ko sya at nakakasama simple lang naman ang buhay dapat natin alamin pano maging masaya kahit sa maliit na bagay lang.


 Bogart the fifteenth (XV): ganito lng yan isipin mo sino ba ang mahal mo? mahal ka ba?

 juanray: WALA pare KAPIT lang talaga kasi MAhal ko sya.

 juanray at Bogart the fifteenth (XV):haysss bakit meron kayang mga SUPER martyr pag-dating sa love 


*kayo mga tol may usapan ba out of the blue na lang*

-Usapang Bogart the fifteenth (XV) at juanray

Sunday, April 14, 2013

Paano kung di ka mahal ng mahal mo?


Paano kung di ka mahal ng mahal mo?

*warning sa mga babasa parang medyo masakit tong topic na to pero basahin mo pa din*
*game tpos na ako kumain ng ice candy*
*shet ang lagkit ng keyboard ko*
*badtrip nasira pa ung volume control ng headset ko scatch tape ang katapat*

Unang una sa lahat pare masyadong mahirap tong pag uusapan natin.
Kasi parang na basted ka na din kung di ka mahal ng mahal mo para sa mga lalaki lang ha.
pero kung ikaw ay babae parang nawala na ang Guy of your dreams parang mister dream boy ba.
oh kaya ung tipong mahal mo nga eh di mo pa maamin.Ayun ang labas eh parang di ka din mahal.

*naasar talaga ako nasira ung cover ng headset ko*
*madaling araw na pala laro muna kaya ako ng LOL*

Pero sa totoo lang ano bang madalas magawa ng mga taong,mahal nila ang isang di sila mahal?
(Madami ata nakinig ako sa usapan ng mga ka bonding ko sa TAPA KING endorse?)

*kain tayo pre*

Ito pare ang masasabi ko di mo hawak ang puso nya,maging si Lord man tayo may freewill sila,
at di natin kaya yun kontrolin na ikaw ang mahalin nya.
Di mo rin kayang gawin na diktahan ang isip nila na ikaw ang isipin.
"SULED BAH" Wala ka talagang magagawa.
isa pa din na ung kasanayan na sabihan na "Ang lahat ng bagay may KAPALIT".
tpos mapapatanong tayo pare eh bakit ung pag-ibig ko walang kapalit mula sa kanya?
(ahaha manhid lang pre)

*ano ba yan may nanggugulo sa FB ko wait lang babatuhin ko lang tong taong bato na to*
*balik tayo pare*

May dalawang klase ng tao sa ganitong sitwasyon ay tatlo pala.
1."umaASAlinggilid" ang taong umaasa na sanay mahalin din sya ng taong mahal nya.

-eto ung mga taong mga nag save ng message sa phone kahit wrong send,
tpos ngingiti sila kasi babasahin nila ulit.Ung tipong gagawa ng message na
napakahaba tpos ung tipong send na lang ang pipindutin buburahin pa. ay nako
madami akong kilalang ganyan.Tapos ung tipong kahit na nagpalit ng number si
mahal nila eh na txt sila edi kinikilig nanaman ulit.Nagpapatama ng mga status
sa FB,tpos pag tinanong ng mahal nila para kanino ung post parang na totorpe pa aminin
   na para sayo na lang ang sasabihin.(anak ng...)Andyan pa ang double meaning texts.
Nag hahanap pa ng sign para malaman na mahal ka din nya.(ano ba yung mga sign na un pare?)
in short para na silang martyr.

"Mahirap mag intay sa wala tapos ung iniintay mo ay di dadating"
*nice one idol may pinaghuhugutan ka?*
*sabi ng idol ko sakin yan...*


2."EMUTERO"ung kuntento na lang sa kanila na magmahal na lang..(aray ko po sakit ba pare?)

-sila ung mga taong parang mga kriminal,kasi kuntento na sila sa mga nakaw
na sandali.Katulad ng masulyapan lang nila ang taong mahal nila para ng
  nakakain na sila ng 3 beses sa isang araw.Isa pa din na makita nilang nakangiti
  ang taong mahal nila kahit indi sila bahagi ng kasiyahan na iyon.(sobra talaga to)
  basta alam nila sa sarili nila na mahal nila ang taong un.hahayaan na lang nila matapos
ang nobela ng buhay nila na di nila sasabihin na mahal nila ang taong mahal nila.


*parang kulang hmmm*

aun may pang 3 pa. ito ang malala kasi eto ang pinagsanib pwersa ng "umaASAlinggilid" at "EMUTERO".
ang "ASAMUTERO" ang umaasang emutero matindi pare ang mga species na to sila ang hardcore type
sa lahat ng aspetong pagmamahal kahit na indi sila mahal ng taong mahal nila.
(Tara BIGTI? ahaha joke lang bawal mamatay mahal lahat ang bilihin)

*sana may sprite sa ref. namin nakaka uhaw*
*Ok game meron ngang sprite*


Di naman siguro mangyayari na may taong umaasa kung wlang taong nag papaasa sa kanila?
diba tol totoo naman siguro.
Parang kasing may puwang ka sa puso nya ung tipong chat,text,tawag ngunit sa isang iglap
nawala lahat!

*Background Music=Biglaan*
(Di Ako sanay sa biglaan...)

Nakakaloko talaga minsan pero nangyayari talaga tol.
Akala mo magiging higit pa kayo sa magkaibigan.
pero di mo lang alam parang isa syang pa-fall or paasa
ang siste eh ikaw na lang ang nagmamahal.
Parang nahulog ka na sa kanya ehhhh nasaktan ka pa sa pagbaksak mo..

*Andito na si chito. si Chito Miranda*
*Andito din si kiko si Francis Magalona*
*Andito din si Gloc 9 wala xang apelyido*
*MAGBABAKSAKAN DITO IN 5 4 3 2 1!!*
*Napakanta lang ako brad solid kasi eh*

*laro muna ako ha*
*game sulat ulit, ayun talo kami*

Minsan ok na malaman na mahal mo sya at wag ng umasang mamahalin ka din nya
kasi ang pag-ibig indi yan pinipilit,kusang lalapit yan.
May mga taong takot masaktan kaya pinipili na lang nilang itago ang kanilang nararamdaman.
Pero kahit ganun pa pare yang mga parang torpe na yan ay seryoso magmahal.
Malay mo may nag mamahal sayo o sakin na di natin alam.
Amin amin din pag may time di na uso ung lagi si lalaki ang nauuna.
Kaya pag minahal ka ng mahal mo aba eh swerte ka tandaan mo may ibang tao dyan na nag dudusa sa gilid.
parang nasagilid lang ng kalye nag aantay ng jeep pero di naman pumapara.
hayyy nako pare ang hirap talaga mag mahal ng taong di ka mahal.

*SULED!!!! boi*

ikaw ba nangyari na sayo to? Diba mahirap?
oh pano ba yan inaantok na ako alas kwatro na ng umaga.

*ZZZZzzzz*

-juanray




Thursday, April 11, 2013

LDR(Long Distance Relationship)


LDR(Long Distance Relationship) minsan may tumawag na Relationshit?

*hmm ano nga ba ito*

ano ba sa palagay mo talaga ang LDR?
Ilang KM. ba ang minimum para matawag na Long Distance Relationship?
Siguro indi naman lahat ng LDR ay pangit ang kinakalabasan or madilim..
May iba din namang matatag ang relationship nila parang ung bato sa may Japan,
Dinaanan na ng Tsunami nakatayo pa din.
Isang relasyong kailangan ng wagas nA PANG-UNAWA at walang hanggang TIWALA.

*isip pa jeh isip pa!!! help naman pare*

Sabi NI Ramon Bautista ito ay higit pa sa Panatang Makabayan dapat tapat ang parehong partido,
at panatag ka na gagawin din ng isa ang pinangako mo.
Napakahirap isipin diba? parang sa mga matatag lang ang LDR kasi ung close distance relationship
naghihiwalay pano pa ang LDR? katotohanan lang.


Noong unang panahon uso na ang LDR at sa aking pagsasaliksik kay pareng google eh nakaranas nito
ay si Jose Rizal ka penpal nya sa pinas si Leonora Rivera.
Pero talagang uso na talaga ang pang babae kahit si Rizal mismo ay di nakatiis dito.

*naniniwala na talaga na ako na history repeats it self*


*wla pa talaga akong experience sa LDR*

Kung iisipin mo halos parehas lang sila ng SDR.
parehas din na it need trust and LOVE..
sabi ng mga kakilala kung nasa LDR distansya lang yan.
Marami namang ways para ma show mo ang love isa't-isa lalo na sa technology ngayon.
Parang your love is like a text,phone call,skype,facebook,twit,etc.. away.


*sakit sa ulo kung walang kuryente wala lahat yan*
*Mabalik tayo sa pinaguusapan natin pare*

Pano kung wala lahat ito?
Madalas ang end up breakup,siguro ang mga rason eh walang physical contact,
tapos ang malala eh may physical contact sa iba, isa pa eh walang Faith and Trust sa love nila.
Kaya usong uso ung mga taong pag-balik sa ibang bansa eh may dagdag na sa anak nya(sa totoo lang madami nito).

*nakakatawa mang isipin pero ang LDR ay mahirap*


Tanungin mo sa sarili mo pano ka makakasurvive sa isang LDR?
kung ikaw ay nasa isang relasyon na ganto.
meron bang checklist para maging maayos to?
share mo naman?
yan ang mga katagang narinig ko mula sa isang kaibigan

*painom muna ng tubig*

Diba masaya pag kasama mo ang taong mahal mo?
nagkikita kayo,naguusap,nararamdaman mo ang pag mamahal nya ang PRESENSYA nya.
diba kahit kanto lang ang pagitan mamimis mo sya pano pa sa LDR?
panigurado mas mahirap to.
sa sobrang layo dito dapat gumamit ng imahinasyon kasi ang dami mong lalanguyin na dagat,
aakyatin na bundok, tatawirin na ilog kasi bihirang bihira kayo magkita pagkat miss na miss mo na sya.


*pumasok ko tuloy ang Avengers sa utak ko*

Sa totoo lang parang gusto mo maging parte ng avengers
Lumipad parang si Iron man,Tumakbo na mabilis na parang si Capt.America at kahit ang long distance eye sight lang ni hawk eye
para makita mo lang sya.In short gusto mo maging superhero para lang sa kanya.

*dahil sa init kung ano ano na ang naisip ko*

Diba masaya siguro ung mga time na nag chat lang kayo eh nag gagala kayo with matching pa sway sway holding hands.
pero malungkot kasi indi pwede alam mo ang distansya ay napakalayo.
wag ka naman mag alala di naman lahat ang end up ay kalungkutan sa LDR
think ang advantages ng LDR sa SDR kasi madalas nagkakasawaan kaya ayun alam na ang nangyayari.
Sa LDR bihira mang yari yan kasi diba malayo na nga ung tipong nanabik ka para sa kanya.


*Tigil muna pare pahinga lang saglit*
*Isip ako ng kunting rules*

Eto na mga pare ang rules na naisip ko.

1.Eto ang crucial rule dapat lagi kayong may communication kailangan ko pa ba ito explain?


2.Dapat may agreement-ito yung parang promise nyo sa isa't-isa para lagi naiisip ng bawat isa ang resposibilidad nila sa partner nya.


3.Lagi kang mag tanong sa partner mo- bakit? para malaman mo kung anong nangyayari sa araw nya para kung mag kita man kayo eh indi ka gulat na nangyari yun.


4.Corny o ma Keso mang isipin Say always i love you or mahal kita kahit words lang yan at wala ka sa presensya sa kanya asahan mo may impact sa kanya yan.


5.Effort- means kunwari bday nya mag bigay ka ng simple card lang.. Try mo ang UPS,DHL,LBC? etc..uso mag padala minsan ahaha mura lang..(nag endorse ba naman daw ako)

6.Ang trust ay kailangan sa bawat isa- siguro di ko na din kailangan explain to.

7.at last ang pinakamahirap ata gawin HUWAG LUMANDI- syempre pag lumandi nako matic yan sira ang lahat kaya mag isip ka muna bago lumandi.

*kung may idadagdag ka pa lagay mo lang feel free pare ahaha*


*Balik tayo sa usapan*

Syempre may LDR ay end up ay sa kabilang side parang isang normal na relasyon lang.
Ang mga di naka survive sa layo,sa tagal ng paghihintay, nag sasawa din dahil di maramdaman ang presensya nga nila hanapt tuloy ng iba.
syempre minsan di din nag kakaunawaan,nagkakagalit din naman kaya ano na?
masasabi mo na lang ANYARE?


*ang init sa pinas!!!*

ang LDR ay parang sugal make or break nga diba.
You only live once so take risk yan ang motto ko.
True Love has many forms di mo alam kung alin dito ang para sayo.
Malay mo isa ka sa mga taong mapalad na ang Faith for love is crossed sa LDR.
para sa mga gamers point of view ito ang tinatawag na TIWALA GAMING LANG.
Good game kung Good game diba
Lagi mo lang isipin "MAKAKASAMA MO DIN ANG TAONG MAHAL MO" kahit ilang KM pa ang pagitan nyo.

*sarap mag inom*

*itong maharot na article ay request ng isa kung kaibigan na babae*
-juanray

Wednesday, April 10, 2013

BABAi


ang mga babae? sa ibang aspeto
irespeto

*eto nanaman tayo*

Teka pano ko ba sisimulan?
hmmm... nakakapagod mang isipin natin mga tol kung ano ang isang babae para satin
eh madami na agad tayong naiisip pag "Babae" ang word anjan na ung
maarte,masungit,mataray,snobera,at higit sa lahat "Friendzone" ka lang.


*napangiti ka no? balik tayo*

Pero naisip mo na din ba ang positive side sa isang babae?
Malamang OO diba aminin mo man oh hindi sa sarili madami silang positive side.
Malambing,Caring,Inaalala ka lagi kaya nag susungit at higit sa lahat mahal ka nila.

*inom lang muna ng kunti*

Ang mga babae sensitive yan.Kaya dapat lagi alagaan.
madalas pag tinanong mo kung OK ka lang? kahit di sila OK ang sagot "OO ok lang ako".
Kahit naluha na sila.pag nakarinig ka ng ganyan dapat alam mo sa loob nila di sila ok.
Kailangan natin minsan mag effort para gawin silang OK talaga syempre mahal natin sila eh.
Lagi nilang gusto na sinusuyo natin sila.


*pikit parang antok na ako...Ok tuloy ang sulat*

silang mga babae puro daldal yan tapos wala tayong kibo.
Tangapin mo na lang ung sinasabi nila,
Kasi alam naman nating para satin un eh,they care for us.
Isipin mo na lang ang nanay mo? ang girlfriend parang 2nd nanay na natin sila para namang sa ikakabuti din natin eh.
Saka minsan pag nag salita pa tayo na misinterpret pa nila lalo tayong mababaon.
parang nanay nga lang natin ahaha.

*hikab*

ang mga babae anjan lang yan..
kahit di mo sila pansinin kung tunay ka nilang mahal di yan aalis para sayo.
anjan na ung pilit ka nilang papangitiin kung may problema ka.
pag katapos pag napangiti ka nila sabay tanong anong problema mo?
Sumesegway din yang mga yan para maging maayos ang lahat parang tayo lang.
Marami akong kilalang ganyan na mga babae.

*may naiisip ka na sigurong babae?*

Minsa may nag sabi sa tropa ko."Makakahanap ka din ng babaeng magpapatino sayo".
Totoo yan kahit gaano pa tayo ka gago lahat na meron makakatiis na nasa tabi mo,
at dun mag uumpisa ang pag-babago mo.Baliktarin mo man ang mundo mayroon kang makakatapat.
madami na akong nakilalang mga gago na tumino dahil sa isang babae at naging asawa na nila.

*SAPUL*

Sigurado napapaisip ka ngayon sa pag-trato mo sa mga babae no?
Ang katagang laging sinasabi ng mga babae na "Parepareho lang kayong mga lalake".
wag kang mag salita na agad na indi lahat kasi sila may naisip ng pang bara dyan gusto mo isang example?
"yan ang madalas nyo namang sagot eh".
Dapat mag iba ka parang ganto "Siguro tama ka nga pero pwede ko bang patunayan sayo na iba ako?"
Pero suguradihin mo tol kaya mo ha,Di lang puro salita dapat talaga pakita mo kasi gusto nila yan.

*hmmm*

Ang mga babae nasasaktan yan lagi.
Minsan subukan mong isipin ung kalagayan nila at isipin mo anong mararamdaman mo?
para you know how you will take care of her not only in the outside world but also in her emotions.
Isipin mo lagi lahat tayo may emotions sa lahat ng bagay.
We need to be sensitive para sa kanila ganyan talaga mag mahal ng babae.
Ipakita natin sa kanila na dumating na ang Knight in Shining Armor nila.

*naks na pa english tuloy ako nabili ko per kilo kanina sa Raon ahahah*


Ang mga babae para satin ay iba-iba,
Madalas may four categories pa HIPON,LOLLIPOP,BULALO at BUKO.
Ang gago talaga natin.(panigurado may tawag din sila satin)
Pero tandaan mo kung ganon ang tawag mo sa kanila may nagmamahal na lalaki na
tinatawag syang MARIA CLARA ng buhay nila na dapat alagaan at irespeto.


*its been a while para sa bagong sulat ko*
-juanray





HAy ang TROpa nga naman..





*hmm*

*ZzZZZZ*

TROPA!!!!!!

Mga pre,tol,brad,pare,idol,brader, at kung ano ano pa yan ang mga karaniwang tawag sa isang Tropa na masaya
xempre laging may parang tangang kasama...

*pano ko b sisimulan!!!! sabunot sa ULO*<<imagine nyo n lang....

ito at dahil masakit ang ulo ko at lutang ang utak dahil san damukal na problema na dumating sa buhay ko...
Sisimplehan ko na lang tong pag type ko... grabe tlaga...OK game ang mga tao sa Tropa..

Organizer-ito ung tao sa tropa na laging may plano kung baga parang written format lagi. sya ang halos nag aayos ng lakad,plano at kung ano ano pang may kinalaman sa pag gagala o tamang trip lang, basta sya lagi ang organizer pati ata buhay nya meron syag format pano gagawin..pero kung wala to sya sa tropa magulo ang buhay.. sya lagi ang tagapagsalita ng tropa sa iba parang representative sa labas oh dba slash PRO pa haaha

*BOom sakit ng ulo ko tapusin ko n lang sa ibang araw*

*kasunod na type*
*ano nga ba pare?*

ANg Robot/utak computer-Sa tropa e2 kung baga ang cyborg ahaha lagi syang may tawag sa mga na pwede nya marelate sa computer adik na ata sa computer nagiging alien na minsan ang pag sasalita nya.pero kung wala to sa tropa...hmmm boring.. kasi mawawalan kayo ng PARE ano un sa computer? kung baga pwede syang walking libro about sa computer d mo na kailangan mag google.masaya sila kasama kung trip mo din ang computers ngayon at gadgets parang may libre kang taga ayos ng gadgets mo.

Muse/parang lalaki minsan- sa lahat eto ang nasa pinaka!!! MAGANDA,SEXY kung baga pang pagent nga eh..pero may tinatagong kalokohan sa loob ang mga ito sila ung akala mo babae sa mga bagay pero magugulat ka may lalaking kilos din that what makes them cool nga sa iba..sila lagi ang pambato ng tropa sa pagandahan portion ng mga barangay,skul at kung ano pang maisipan na isali sya...

*Sempre mawawala b naman ang!!*

Escort/akala mo bading kung maka lagay ng pulbo sa muka-ang madalas partner ni muse xempre pogi tong mga to ang heart rob ng tropa.. laging matinik sa chiqs at laging may chiqs parang pangarap lahat ng mga lalaki may chiqs lagi pero minsan napapaisip ang mga ka tropa kung ano b tlga xa dahil na ubod ng kinakalikot ang muka nya,laging may pulbo,hilamos d2 hilamos dun halos d mo makausap laging nasa banyo..every break ng class or sa lakad man sa labas..

*nxt please!!*
*wla akong maisip!!*
*mea mea naman inom lang ako ng tubig*

Daragista/takot sa GF-ang daragista ng tropa malamang nalagay na nga sa title nya eh..sila ang SUPER HERO!!! pero gusto lagi manapak ng taong umaway sa tropa nya..pero lahat naman ng super hero may kahinaan dba? at dito pumasok ang kanilang!!!!! GIRLFRIEND isang sabi lang HOY tama na aun parang asong naging tuta..

GAMER/minsan wlang social life-ang mga tao na to sa tropa ay madalas d mapansin kung hardcore gamer tlga alam nyo bakit? kasi laging wla pag may malakad ang tropa..laging inuuna ang laro pero minsan pag sumama akala mo parang character sa pinang lalaro nila gusto maka alis agad..(*para namang mananakaw computer mo sa bahay*) hindi sila robot. kasi alam lang nila mag laro ng maglaro...

Divine/taong simbahan-literal taong simbahan sila..lagi silang nasa simbahan pag may activities ang simbahan.madalas simple lang sila pero may pag ka wild din sila pag kayo kayo lang.Sila madalas ang mababait sa tropa laging nag iisip ng gagawin at may connection sa Bible.

ANG GOOGLE-BOw e2 ang halos paborito ng mga magkakatropa .sila ang genius!! ang SOURCE!! ang SERVER!!! ng mga sagot ahahah..laging nasa unahan ng CHEATING arangement kasi lahat kokopya sa kanya ahahah..

ANG tHE mOVES/Copy paste master-Sa mag kakatropa sya ang laging may diskarte.di sila masyado matalino pero madiskarte sa pag kuha ng mga sagot akala mo may super power sila. sa pagsusulat ng mabilis,ang 20/20 vision kahit malayo,ang super sensitive hearing nila,at higit sa lahat ang pag proproduce nila ng sagot out of no where.

JAck of all trades/master lang ng kalokohan-sa tropa sya ang pinaka madiskarte sa mga bagay bagay pero pag na STUCK na ay alam na tatawag na ng tulong yan..madalas mga siraulo ang mga to akala mo wlang nangyayari.happy go lucky kung baga. puro kalokohan ang nasa isip pero minsan seryoso (*in short parang may sapak lang* ahaha).

LAruan-ang laruan ng tropa(*minsan barbie doll?*) sya lagi ang napapagtripan ng tropa..pero di masaya ang tropa kung walang tanga sa group.
ang mga taong ito ay di basta basta napipikon..kahit xa napapag3pan.

Latak/butaw-ang mga taong kasama sa tropa pero di mo maisip san mo sila ilalagay ng mga nasa taas pero masaya silang kasama.

*hmmmm*

Ang mga yan pwedeng iisa oh marami at pwedeng pinagsamasama sa isang tao ang katangian kaya bahala na kayo mag isip kung ano kayo ja..

*ano pa kaya pwede kung maidagdag jan?*

*AY*

ang higit sa lahat....eto ang mortal na kaaway ng tropa..

ANg POLYCARBONATES-Literal na meaning nya plastic ung mga nakikita nyo sa lansagan pero ang polycarbonates ay mga highclass na plastic kung baga bumagyo man na 3 beses na ONdoy at mag sama ka pa ng ka tropa nyang si HAbagat eh di pa din sila natitinag.ang mga taong eto ang madalas gusto manira ng tropa.madalas sa umpisa kakaibiganin ka lang mga to pag may kailangan sayo..(*kaibigan ka lang nila pag may kailangan sila sayo*?)..kaya babala sa mga taong POLYCARBONATE at wag maging isa sa kanilang lahi.

*wala na akong maisip na pwedeng maidagdag*

ANG GOLDEN RULE!!!

Walang iwanan TROPA TAYO EH..

*idlip ng kunti*
*isip ng title*
HAy ang TROpa nga naman..

-juanray

Pano kung nakakita ka ng??



*Hayss..*


Minsan nakakagulat mag halungkat ng bag ng gf mo o kaya ka tropa mo na babae. Pano pag bukas mo ng bag “condom” ang nakita mo? Patay na ano na ang iisipin mo.. Bkit meron syang ganto? Yan agad ang maiisip mo tapos mag conclude ka na bigay, binili nya,trip nya lang na meron. Pero isa lang kakahinatnan nito gagamitin nya b ito? Yan ang tatak s isip mo diba?..

*Inom lang ng tubig ang init eh hirap mag sulat*

Ayan nakita mo n tapos nakapag isip k n agad ng pwede tapos babanat mo agad OI!!!! Bakit ka meron nito? Ang lagay eh ma shock yung babae pare uu mashock tlga sila sabay bawi. Sasabihin pa nila bakit kayo lang ba may karapatan na may ganito sa bag?.. ikaw tulala mag iisip ng pang banat o pang bsag sa sinabi nya.

*teka teka*

Ako yung nakakita tapos sya ang mag tatanong? Baliktad nanaman nag sitwasyon parang pag ikaw ang nakitaan ng condom sa wallet mo bastos k na agad.. pero pag babae ok lang? ano yun parang collectors item lang nila? Ikaw pre ano masasabi mo pag ikaw ang ginanun?

*cno may lighter dyan yosi lang katabi ko*

Balik tayo sa pinang uusapan natin pre. Prang gusto nila ipamuka na bawal tayo makialam parang sabi ni bob ong na Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya. Tama?
Ang positive side eh pag ikaw ang bf pwede mo sabihin na gagamitin ba natin yan? 

*ahaha natawa ako dun. Ginamit mo n ba yang linyang yan? e2 pa galing sa kaibigan ko -anu? try natin kung ok! sa susunod eto na gagamitin natin huh!*

Ang lagay eh sasabihin sayo ano ka baliw? Hindi no dyan lang yan. Yan nag sasabihin sayo. Tapos iisipin mo hindi namin gagamitin? So sa iba nya gagamitin? Ganyan tayo mag isip pre dba? Tama ba ako?
Ang masaklap pa eh sasabihan ka na ang BASTOS MO!!!! Sabay sampal or hindi man di ka papansinin. Pero sa ibang babae naman tatawa lang at parang mapapahiya sabay change topic. 

*inom *

Pag tayo naman pre ang meron nun ang bibilis ng banat ng mga babae na “YUCK!!!” kadirdir naman ikaw ang L mo talaga… ayan ang unang nalabas sa mga anghel nilang labi.. tayo ang demonyo syempre. Tapos tatago natin yung condom tapos pre nakatatak na sa kanila yung araw na yun. OO pre as in taga mo sa bato may condom tayo nung araw na yun tapos sa mga susunod na araw nakita na nila n wla na ang bagay na ito kunwari iniwan mo lang sa bahay nyo at di nila nakita ito sa wallet mo. Ito ang masasalubong sayo HALA GINAMIT NA NYA!!..


*wew patas ba? Ang mga gawain nila satin*

Ikaw tol naranasan mo na ang naranasan ko? O mas malala pa dito? Minsan talaga hindi pantay ang mundo ay uu nga pala bilog ang mundo.. ito lang naman ang lumabas sa maharot kung isipan. Oh pare tayot matulog na at pag isipan ang mga bagay bagay sa mundo..

-juanray