Monday, April 22, 2013

Jeep


Jeep

*teka papainit muna ako ng fingers para suled ang typing skills*
*panalo pala ang ginebra ngayon*
*EHEM game*

Pare naisip mo na ba minsan ihambing ang pag-ibig sa jeep?
Minsan nagka kwentuhan kami tungkol dito sa aking school na di ko
papangalanan kasi wala namang bayad pag nag endorse ako dito.


*Bumaba ako sa jeepney kung saan tayo'y dating magkatabi kanta lang ako ha*

Una ano ba ang ginagawa mo pag sasakay ka ng jeep?
Dba mag hihintay ka at papara?
gets mo? sa pag-ibig nag iintay ka din.
pero minsan kahit pinara mo nilalagpasan ka lang.
depende bakit ka nilagpasan,baka puno na o talagang
ayaw ka lang isama sa biyahe nya.
kaw na mag isip pano mo sya rerelate sa pag-ibig mo.


*kain muna tayo ng ice candy*


pag daan ng jeep iba iba ang sign board.
syempre paparahin mo ung para sayo?
alam mo na bakit para sayo ung jeep kung
pinara mo at sinakay ka nya.
kaya nga pinara mo kasi alam mo parang eto na ang pag kakataon na para sayo.

*may nakalimutan ako!!*
Ay minsan ang jeep na sasakyan mo ay puno na..
pare anong gagawin mo?
Edi SASABIT d naman bawal sumabit pero eto ang RISK na tinatawag natin.
You Only live Once so take risk...
Hirap pag inlove ka talaga.

*LOVING YOU....YOUU sound trip ko ahaha*
*balik tayo*

Pagsakay mo magbabayad ka..
tapos ang binayad mo minsan sobra o sakto lang.
bawal ang kulang..
kasi parang pag-ibig lang give and take lang yan.
bawal ang kulang sa bawat parte kasi matatapos ang lahat
tama ba ako pare?

*may naiisip tuloy ako*
Syempre pare ang pag sakay mo..
iba iba na ang experience natin.
ung tipong Smooth lang ang andar,mabilis at parang ang easy ng buhay at higit sa lahat masaya ang feeling.
pero di naman laging ganyan ang experience natin minsan nakaka inis na ang bagal ng biyahe.
at andyan pa ang paliko-liko na daan,lubak-lubak pa di na naawa no?
sana naman pare di mo naranasan na maaksidente sa jeep mo.
kasi ito ay napakasaklap na pwede mangyari.

*lalagayan ko pa ba ng pang hahabing sa pag ibig yan oh gets nyo na?*

Kung parehas tayo ng naiisip pare..
ating masasamo...
na ang journey ng pag-ibig ay iba-iba minsan nasa taas o baba lang tayo sa ikot nito.
Masaya o hindi tuloy lang ang biyahe.


*ISIP pa.. trending nanaman ang wall ko sa fb ahaha*
*gusto ko sa BORA!!*


isa pa pare minsan na trapik ang sinasakyan mo.
baba ka na lang at maglalakad na lang,
kaya lang kung kailan pag baba mo saka lang uusad ang
andar ng jeep patungo sa pupuntahan mo.

*ubo lang*
*may videoke na pala sa taxi ngayon ma share lang*

hassle pare diba parang pag-ibig pag nag give up ka na
wala na ang magagawa mo na lang eh move on kung baga lakad ka kunti,
tapos antay ka ng bagong jeep.
at mauulit nanaman ang kuwento ng jeep natin.

IKAW pare nakahanap ka na ba ng JEEP mo?

*salamat kay mjvn92 na nagmulat at nagbahagi ng idea na ito sakin para magawa ko tong jeep na to*

-juanray

1 comment:

  1. posible ba ko sumakay sa iisa at natatanging jeep ng mahigit sa isang beses, sa iisang ruta, pero sa magkaibang pagkakataon at maihahatid pa din ako sa destinasyon ko sa parehong kasiyahan na inaasahan ko tulad nun unang beses na sumakay ako sa biyaheng 'yun?



    ReplyDelete