Sunday, April 14, 2013
Paano kung di ka mahal ng mahal mo?
Paano kung di ka mahal ng mahal mo?
*warning sa mga babasa parang medyo masakit tong topic na to pero basahin mo pa din*
*game tpos na ako kumain ng ice candy*
*shet ang lagkit ng keyboard ko*
*badtrip nasira pa ung volume control ng headset ko scatch tape ang katapat*
Unang una sa lahat pare masyadong mahirap tong pag uusapan natin.
Kasi parang na basted ka na din kung di ka mahal ng mahal mo para sa mga lalaki lang ha.
pero kung ikaw ay babae parang nawala na ang Guy of your dreams parang mister dream boy ba.
oh kaya ung tipong mahal mo nga eh di mo pa maamin.Ayun ang labas eh parang di ka din mahal.
*naasar talaga ako nasira ung cover ng headset ko*
*madaling araw na pala laro muna kaya ako ng LOL*
Pero sa totoo lang ano bang madalas magawa ng mga taong,mahal nila ang isang di sila mahal?
(Madami ata nakinig ako sa usapan ng mga ka bonding ko sa TAPA KING endorse?)
*kain tayo pre*
Ito pare ang masasabi ko di mo hawak ang puso nya,maging si Lord man tayo may freewill sila,
at di natin kaya yun kontrolin na ikaw ang mahalin nya.
Di mo rin kayang gawin na diktahan ang isip nila na ikaw ang isipin.
"SULED BAH" Wala ka talagang magagawa.
isa pa din na ung kasanayan na sabihan na "Ang lahat ng bagay may KAPALIT".
tpos mapapatanong tayo pare eh bakit ung pag-ibig ko walang kapalit mula sa kanya?
(ahaha manhid lang pre)
*ano ba yan may nanggugulo sa FB ko wait lang babatuhin ko lang tong taong bato na to*
*balik tayo pare*
May dalawang klase ng tao sa ganitong sitwasyon ay tatlo pala.
1."umaASAlinggilid" ang taong umaasa na sanay mahalin din sya ng taong mahal nya.
-eto ung mga taong mga nag save ng message sa phone kahit wrong send,
tpos ngingiti sila kasi babasahin nila ulit.Ung tipong gagawa ng message na
napakahaba tpos ung tipong send na lang ang pipindutin buburahin pa. ay nako
madami akong kilalang ganyan.Tapos ung tipong kahit na nagpalit ng number si
mahal nila eh na txt sila edi kinikilig nanaman ulit.Nagpapatama ng mga status
sa FB,tpos pag tinanong ng mahal nila para kanino ung post parang na totorpe pa aminin
na para sayo na lang ang sasabihin.(anak ng...)Andyan pa ang double meaning texts.
Nag hahanap pa ng sign para malaman na mahal ka din nya.(ano ba yung mga sign na un pare?)
in short para na silang martyr.
"Mahirap mag intay sa wala tapos ung iniintay mo ay di dadating"
*nice one idol may pinaghuhugutan ka?*
*sabi ng idol ko sakin yan...*
2."EMUTERO"ung kuntento na lang sa kanila na magmahal na lang..(aray ko po sakit ba pare?)
-sila ung mga taong parang mga kriminal,kasi kuntento na sila sa mga nakaw
na sandali.Katulad ng masulyapan lang nila ang taong mahal nila para ng
nakakain na sila ng 3 beses sa isang araw.Isa pa din na makita nilang nakangiti
ang taong mahal nila kahit indi sila bahagi ng kasiyahan na iyon.(sobra talaga to)
basta alam nila sa sarili nila na mahal nila ang taong un.hahayaan na lang nila matapos
ang nobela ng buhay nila na di nila sasabihin na mahal nila ang taong mahal nila.
*parang kulang hmmm*
aun may pang 3 pa. ito ang malala kasi eto ang pinagsanib pwersa ng "umaASAlinggilid" at "EMUTERO".
ang "ASAMUTERO" ang umaasang emutero matindi pare ang mga species na to sila ang hardcore type
sa lahat ng aspetong pagmamahal kahit na indi sila mahal ng taong mahal nila.
(Tara BIGTI? ahaha joke lang bawal mamatay mahal lahat ang bilihin)
*sana may sprite sa ref. namin nakaka uhaw*
*Ok game meron ngang sprite*
Di naman siguro mangyayari na may taong umaasa kung wlang taong nag papaasa sa kanila?
diba tol totoo naman siguro.
Parang kasing may puwang ka sa puso nya ung tipong chat,text,tawag ngunit sa isang iglap
nawala lahat!
*Background Music=Biglaan*
(Di Ako sanay sa biglaan...)
Nakakaloko talaga minsan pero nangyayari talaga tol.
Akala mo magiging higit pa kayo sa magkaibigan.
pero di mo lang alam parang isa syang pa-fall or paasa
ang siste eh ikaw na lang ang nagmamahal.
Parang nahulog ka na sa kanya ehhhh nasaktan ka pa sa pagbaksak mo..
*Andito na si chito. si Chito Miranda*
*Andito din si kiko si Francis Magalona*
*Andito din si Gloc 9 wala xang apelyido*
*MAGBABAKSAKAN DITO IN 5 4 3 2 1!!*
*Napakanta lang ako brad solid kasi eh*
*laro muna ako ha*
*game sulat ulit, ayun talo kami*
Minsan ok na malaman na mahal mo sya at wag ng umasang mamahalin ka din nya
kasi ang pag-ibig indi yan pinipilit,kusang lalapit yan.
May mga taong takot masaktan kaya pinipili na lang nilang itago ang kanilang nararamdaman.
Pero kahit ganun pa pare yang mga parang torpe na yan ay seryoso magmahal.
Malay mo may nag mamahal sayo o sakin na di natin alam.
Amin amin din pag may time di na uso ung lagi si lalaki ang nauuna.
Kaya pag minahal ka ng mahal mo aba eh swerte ka tandaan mo may ibang tao dyan na nag dudusa sa gilid.
parang nasagilid lang ng kalye nag aantay ng jeep pero di naman pumapara.
hayyy nako pare ang hirap talaga mag mahal ng taong di ka mahal.
*SULED!!!! boi*
ikaw ba nangyari na sayo to? Diba mahirap?
oh pano ba yan inaantok na ako alas kwatro na ng umaga.
*ZZZZzzzz*
-juanray
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
nice one boi.. :)) nappangiti ako sa mga nasbi mo.. IDOL!
ReplyDelete